Kakatapos lamang ni Khara na mag-almusal at naisip niya na mamasyal sa bayan ng La Union. Naisip niya na ibili ng de-keypad na cellphone ang kanyang natitirang pera. Nawala ang cellphone niya nang magpunta siya sa bahay na tinutuluyan nina Lander at Katarina. Naglakad lamang siya patungo sa bayan. Maaga pa naman at may dala naman siyang payong na kinuha niya sa bahay ni Daimon. Hindi na niya ito hinintay na umuwi kagabi. Sinundan ni Daimon si Mitch, alam niyang hindi lang basta kaibigan ang trato nito. Umiling siya nang mabilis habang naglalakad. Bakit ba niya iniisip ang ganoong bagay? Nakakasira na siya sa career ni Daimon dahil sa ginagawa nitong pagtulong sa kanya. Hangga't maaari hindi siya gagawa ng dahilan para masira ang career nito. At gagawin niya ang lahat bilang isang mabuti

