Seryoso ang mukha ni Daimon habang nagmamaneho siya ng kanyang sasakyan. Alam niyang hindi papabor sa kanya ang ginawa niyang pag-amin sa kanyang kapatid ang tungkol kay Khara. Ngunit sa kabila ng kagustuhan niya na mapasakanya si Khara ay mas nangingibabaw pa rin ang nararamdaman niyang awa sa kanyang nakakatandang kapatid. Alam nito kung saan siya nakatira, at pati na rin ang ibang mga properties ng kanyang ama. Magiging madali para rito na hanapin siya kung gugustuhin nito. At hahayaan niyang mangyari iyon upang malaman niya kung mahal ba talaga nito si Khara o talagang ang bago na nitong babae ang mahal nito ngayon. Hindi niya naiintindihan kung bakit nagawa pa nitong saktan at lokohin si Khara. Bago siya magtungo ng Manila ay sinadya talaga niya na puntahan ang kanyang Kuya Lander.

