Dinala ni Daimon si Khara sa Mi Amore Café sa La Union. Alas tres na nang madaling araw nang makarating sila sa Poblacion kung saan naroon ang dalawang palapag na coffee shop nila. Sinalubong sila ng katiwala niya na sina Mang Pidoy at Aling Gorya. Labing dalawang taon na itong katiwala ng mga namayapang magulang niya. At ang mga ito na rin ang siyang caretaker sa bahay nila na nasa likod lamang ng Mi Amore Café. Malapit lamang ang bahay ng mga ito sa coffee shop nila. Nakisuyo siya sa mga ito na magluto ng maaga dahil may kasama siyang kaibigan. Ito ang unang beses na may dinala siyang babae rito sa La Union. Bumaba sila ng van ni Khara. Bitbit nito ang bagpack at siya naman ang kanyang gitara. "Magandang umaga, sir at ma'am," masiglang sambit ng mga ito sa kanila. "Magandang umaga ri

