Hawak-hawak ni Khara ang cellphone ni Daimon na naiwan nito sa kuwarto ni Peter. Ang sabi sa kanya ni Kuya Insyong ay umalis daw ito at may importanteng pinuntahan. Naiwan pa nito ang cellphone dahil sa pagmamadali nito. Bumili pa naman siya ng isang buong letchon manok para may dinner sila ni Daimon. Alas diyes na ng gabi ngunit wala pa rin ito. Habang nasa sala siya at nakaupo ay binuksan niya ang cellphone ni Daimon. Puro text messages lang naman ni Seth ang naroon. Tungkol sa gig at schedules na ipinapadala ni Mitch. Bumuga siya nang malalim. Sinubukan niyang tawagan ang number ni Seth ngunit hindi naman ito sumasagot. Nag-aalala na siya kay Daimon. Hindi niya alam kung nasaan na ito ngayon o kung ano ang ginagawa nito. Tumayo siya at naglakad sa may garden. Nakasuot siya ng puting

