“Love, nagluto na ako ng breakfast. Adobong manok ang iniluto ko at hanggang tanghalian na iyon. Aalis ulit ako para sumama kina Fernando sa pag-aayos ng mga natumbang poste ng kuryente,” ani Lander habang inaayos ang kanyang extrang damit sa kanyang lumang bag pack. Nasa sala naman si Katarina at naglilinis ng mga kuko. May nabili kasi itong mga bagong nail polish sa kapitbahay nila. “Ah sige. Mag-iingat ka sa trabaho mo. Ewan ko naman kasi sa iyo kung bakit ganyang trabaho pa ang pinasukan mo, Love. P’wede ka namang magtrabaho sa ibang lugar pero pinipili mo na dito magtrabaho sa Pampanga. Hindi naman ako umaalis sa bahay kaya wala ka namang dapat na problemahin,” sabi ni Katarina habang patuloy sa paglilinis ng kuko sa kamay. Nilapitan ni Lander si Katarina at hinagkan sa noo. “Gusto

