HINDI alam ni Khara ang kanyang gagawin para hindi niya ma-offend si Daimon. Alam niya na nagmamalasakit lamang ito sa kanya. Gusto niyang maging matapang upang ipagtanggol ang sarili niya ngunit hindi niya magawa. Iniwan siya ni Daimon sa cabin na napili niya. Akala niya maraming mga bakasyonista sa lugar na pupuntahan nila ngunit hindi niya inakala na sila lamang dalawa ni Daimon sa malawak na beach resort. May mga natatanaw naman siyang mga tao ngunit nasa ibang resort. Inihiga niya ang sarili sa kama at saka tumingin sa puting kisane ng cabin. May aircon ang kuwarto at mayroon ding electric fan. Tumagilid siya at mariing ipinikit ang kanyang mga mata. Marahan din niyang kinabog ang tapat ng kanyang puso. Hindi niya alam kung ano ba itong nararamdaman niya. Hindi ito dapat. Magulo

