INIHATID ni Daimon si Khara sa glass house upang makapagpahinga ito. Inisip niya na marahil nabigla ang katawan nito sa ginawa niya. Gusto din niyang ipa-check up na lang muna si Khara sa isang Ob-GYN upang mas lalong makasiguro na maayos ang kalusugan nito. Nag-aalala siya sa magiging bunga ng kapahangasan niya. Hindi niya gustong mapahamak ito dahil lamang sa pagmamahal niya. “May gusto ka bang ipabili? Aalis ako para sunduin ang kaibigan kong OB-GYN na may clinic malapit dito.” “Hindi na iyon kailangan, Daimon. Okay lang naman ako at wala naman akong nararamdaman na kakaiba.” Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ni Khara. “Kailangan pa rin nating mag-ingat upang makasigurado. Aaysuin ko ang ang annulment papers ninyo ni Lander. At hindi kita p’wedeng… ma-mabuntis habang prinoproseso

