“Ang daya mo sa tagayan!” tumatawang reklamo ni Khara habang inaagaw kay Daimon ang plastic cup na pinuno nito ng alak. “Uy, bawal sa iyo ang magpakalasing baka kung ano ang magawa mo sa akin!” tumatawang saway niya rito. Kinagat niya ang ibabang labi niya at hinatak ang batok nito. “Natatakot ka?” Ibinaba niya ang tingin sa mga labi nito. “Kinakabahan ka?” pang-aasar pa niya rito. Hindi madami ang nainom niya. At kung pagsasama-samahin iyon sa isang baso. Wala pa sa kalahati ng 6oz na plactic cup ang naiinom niya. Nakipagtitigan si Daimon sa kanya. “Kinikilig ako.” Pinamulaan naman siya ng magkabilang pisngi sa sinabi nito. Mukhang siya yata ang kinakabahan lalo na’t marami na itong naiinom. Bigla siya nitong hinalikan. Isang mabilis na halik na hindi niya namalayan. “Hmm… nag-blus

