Maagang nagising si Daimon para ipagluto ng agahan si Khara. Gusto niyang ipakita rito ang kanyang tapat at umaalab na pagmamahal. Gagawin niya ito para sa babaeng mahal niya sa araw-araw at sa habang buhay. Nai-imagine pa lang niya... kinikilig na siya. Pasipol-sipol siya sa pagkanta ng Shape Of Your Heart habang nakaharap sa may kalan. Napatingin tuloy siya sa lamesa na kinukumpuni ni Kuya Gaston. Kaagad niya itong tinawagan para ipaayos dito ang lamesa upang hindi magalit sa kanya si Wyatt. Mahirap pa namang pahupain ang init ng ulo ng kanyang kaibigan kapag nagagalit ito. “Sir, kailangan nang palitan itong paa ng lamesa. Hindi na ito p’wedeng kumpunihin dahil nadurog na ang kalahati ng kahoy nito,” ani Kuya Gaston na hawak-hawak ang naputol na bahagi. Napakamot siya sa kanyang batok

