Special Chapter 1

2805 Words

NATUTUWANG pinagmamasdan ni Khara ang kanyang asawa na si Daimon habang nasa kusina ito at nagluluto ng kanilang pananghalian. Nasa sala naman siya at nakaupo sa play matt dahil binabantayan niya si JayR na naglalaro ng mga plastic na musical instruments. Habang si Lhauve naman ay nasa baby bouncing swing at mahimbing na natutulog. Namana ni Lhauve ang pagiging antukin ni Katarina, kahit na maingay pa ang paligid ay nakakatulog pa rin ito. Na-miss na niya ang kanyang kapatid, isang buwan na rin ang nakakalipas nang pumasok na muli ito sa rehabilitation center. Nilingon siya ni Daimon at saka kinindatan. Napailing na lamang siya rito. “Gutom na ba ang prinsesa ng buhay ko?” malakas nitong tanong sa kanya. “Kung mag-hire na lang kaya tayo ng yaya para sa mga anak natin?” dagdag pa nito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD