Chapter 44 3rd Person's POV; "Cut!" Ani ng director matapos ilapit ni Cross ang mukha kay Tyra para sa pagtatapos ng scene na yun. "Good job everyone, binabati ko kayong lahat." Ani ng director na kinahinga ng maluwang ng ilang staff at artist sa set na yun. "Nasaan kaya si Arkhon sabi niya pupunta siya ngayon." Bulong ni Bright matapos niyang abutan si Cross ng tubig. "Nag-aalala na din ako dahil andio si Tobi pero si Arkhon wala." Ani ni Cross matapos makita si Tobi na hindi mapakali habang hawak ang phone at kinokontak ang alaga. "Cross." Napatingin ang binata ng lumapit sakanya ang babae na kapartner niya sa project. Cross Acosta's POV; "May kailangan ka ba?" Tanong ko ng pumasok kami sa isang restaurant matapos ang taping namin sa araw na ito. "Kumain muna tayo." Nakangiting