Chapter 43 Cross Acosta's POV; Nakakailang mint candy na ako pero hanggang ngayon hindi pa din ako kumakalma. Gustong-gusto ko pa din sumugod sa mansyon ng mga Freya at balatan ng buhay ang Caster na yun. Napahawak ako ng mahigpit sa pinakalalagyan ng candy bago naiinis yun na ibato sa coffee table at sumandal sa sofa. Pipikit ko na ang mga mata nang makarinig ako ng pagbagsak galing sa kwarto. "Tss." Ani ng binata bago tumayo at kinuha ang kahoy na baseball bat sa likod ng sofa at naglakad pataas ng kwarto. Dahil sa madilim ang mansyon kampante akong binuksan ang pinto ng kwarto at bumungad sakin si Arkhon na---. "f**k!" Napataas ang gilid ng labi ko ng bumangga si Arkhon sa lamesang nasa loob. *click* Agad kong tinanggal ang ngisi sa labi ko ng buksan ko yung ilaw at tumingin