Chapter 46 3rd Person's POV; "Caster!" Sigaw ni Arkhon ng muntikan na silang mabangga ng salubungin ng binata ang four wheeled truck. "Masama ito ayaw tayo tigilan ng mga tauhan ni Allen." Ani ni Caster ng makita ang mga kotseng sumusunod. Mabilis na kinabig ni Caster ang kotse pakabila at mas binilisan ang pagpapatakbo. "f**k it Caster ayokong pumunta sa ospital nang kulang-kulang ang parte ng katawan." Singhal ni Arkhon habang nakahawak ng mahigpit sa seatbelt matapos makitang halos paliparin ng binata ang kotse. --- *blaag* Nagpaikot-ikot ang kotse ng may taong tumalon sa kotse at sinaksak ang driver mula sa bubong na kinatigil din ng ilan pang kotse matapos yun humarang sa daan. "Tama na ang laro, hindi na nakakatuwa." Walang emosyong sambit ng babae bago tumayo ng ayos sa pin