Chapter 47 3rd Person's POV; "Cross." Bulong ni Arkhon habang hawak ang kamay ng asawa at hinahalikan yun. "Andito na ako." Dagdag ng binata habang nakatingin sa maamong mukha ng lalaki. "Kailangan mong lumaban, gumagawa na ng paraan sina daddy para makagawa ng gamot." Ani ng binata bago sumubsob sa kamay ng asawa at pinipigilang maiyak. "Arkhon." Napaangat ng tingin ang binata ng marinig ang ina. "Mama." Nangingilid ang luhang sambit ni Arkhon matapos lumapit ng ginang at yakapin ang ulo ng anak. "Matapang si Cross ilang beses na ba niya nalampasan ang kamatayan, magiging ayos din siya." Ani ng ginang. "Wala akong naalala sa past namin ni Cross mama, pero ang pakiramdam na ito napakapamilyar sakin at hindi ko talaga gustong nararamdaman." "Pakiramdam ko palaging anytime pwede ma