3rd Person's POV; "Masakit?" Tanong ni Lucas nang mapangiwi si Cross matapos linisin ng binata ang sugat niya sa labi. "Bilisan mo na lang ang pag-gamot." Ani ni Cross matapos umiwas ng tingin sa lalaki. "Cross nag-aalala na kami ni Bright sayo, hindi biro ang pakikipaglaban sa mga Freya masyado silang tuso nag-aalala kami na---." "Lucas kaya ko ang sarili ko." Kalmadong sambit ni Cross matapos salubungin ang mata ni Lucas. Ilalapit ni Lucas ang mukha niya sa binata ng umiwas ng tingin si Cross at umayos ng upo. "Patawag na lang si Bright sa labas may pag-uusapan lang kami." Ani ni Cross na kinabuga ng hangin ni Lucas. "Kahit ba konti Cross wala ka man lang nararamdaman sakin? Bigyan mo ako kahit konting chance ... handa kitang alagaan at si Casspian." "Lucas napag-usapan na natin