3rd Person's POV; "Naiintindihan ko." Ani ni Navaeh habang hawak ang phone at nakatingin kung saan. "Yeah, gagawin ko sa mas madaling panahon katulad ng utos mo." Makalipas ang ilang minuto binaba na ng lalaki ang phone at tiningnan ang babaeng prenteng nakaupo sa sofa na nag angat ng tingin para salubungin ang tingin ng lalaki. "Kikilos na tayo nagbigay na ng utos si Iver." -- "Andito ka lang pala." Bulong ng lalaking dahan-dahang binuksan ang pinto matapos maaninag ang binatang kasalukuyang natutulog sa kama. Dahan-dahang naglakad ang lalaki papasok at kinuha ang unan na nasa gilid ng kama nang lalaki. Mula sa kabilang bahagi ng silid may lalaking hahakbang palapit sa kama ng may humawak sa binata na kinatingin ng lalaki. "Easy ka lang Roqas." Bulong ng binata bago tumingin sa l