"Bella," Napatigil kami ni Fran ng magsalita si Akihiro. Nasa harapan natin siya na naglalakad papunta sa parking lot. "Anong may-" napatigil ang pagtatanong ko sa kanya ng makitang nakatayo roon si Kyro sa tabi ng kanyang kotse. Anong ginagawa niya rito? Sino susunduin niyo? Nag-aaksaya lang siya ng oras. "Bella," Napalingon ako kay Fran ng humawak ito sa aking kanang balikat. "Huwag mo siyang pansinin, Akihiro." aniya ko sa lalaking nasa harapan namin kaya nagpatuloy ulit ito sa paglalakad. Hindi ko siya binigyan pansin. Iniwas ko ang aking tingin sa kanya. Bakit nandito siya ngayon? Dahil ba nalaman ko na ang panggagago nilang dalawa kaya nagpapalakas na naman siya at saka ako lolokohin ulit? O, baka naman pinagsabihan na sila ni Kuya Timothy tungkol sa kagaguhan na ginawa