"Hi," Napalingon ako ng may magsalita sa aking gilid. "Akala ko kung sino na, ikaw lang pala, Akihiro." aniya ko sa kanya. Nilibot ko ang aking tingin sa paligid namin at lalo na kay Francheska na nakapila ngayon sa bilihin ng shake. "Tapos na iyong practice niyo?" pagtatanong ko ulit dito ng tumabi siya sa akin. "D'yan si Fran, magagalit niyon. Doon ka na lang sa kabila, tabi na lang kayo ni Miguel." dugtong na sabi ko sa kanya at tinuro ang katapat kong upuan. Wala siyang nagawa kung 'di lumipat doon. Naka-jersey pa siyang suot at halatang kakagaling lang niya sa practice, basa sa pawis ang buhok niya at nasa batok pa niya ang towel. "Katatapos lang namin." maikling sagot niya sa akin kaya tumango ako. Hindi na palagi sa amin sumasama si Cashel, always na itong nakatambay sa col