"Tita Bella!" Urgh! Napakamot ako sa aking buhok nang may marinig na sunod-sunod na katok mula sa pinto ko. "Tita Bella! Tita Bella! Tita Bella!" paulit-ulit nitong tawag sa akin. Please, maaga pa naman baka p'wedeng patulugin niyo muna ako ng isang oras pa. Tngina naman kasi kahapon. Bakit pa kasi sila nanggugulo kung tapos naman na kaming tatlo. Bakit paulit-ulit nilang sinasabi sa akin na magtiwala sa kanila kung sa ilang linggong paghihintay ko sa mga text at tawag nila ay hindi sila nagpaliwanag noon? Bakit hinitay pa nilang mag-isang buwan-kalahati bago ako pahirapan ng ganito. Aaminin ko naman, mahal ko pa rin silang dalawa. First love, first boyfriend, first kiss at first s*x. Sinong hindi makakalimot doon? Halos sila ang first ko. Nakatanggap ako ng text kagabi galing