"Matulog na kayo, Luigi and Mario!" tawag ko sa kanilang dalawa. "Nag-toothbrush na kayong dalawa?" pagtatanong ko sa kanila. Hindi na kasi ako pumasok sa loob ng banyo nila, malalaki na raw sila at bigboy na. Kaya na raw nila ang kanilang mga sarili kaya wala akong nagawa. Sabay na tumango sila sa akin. "Opo, tita Bella! We brush our teeth po!" Pinakita pa nila sa akin ang mga ngipin nila. "Very good! Oh, siya, magsitulog na kayong dalawa. Mamaya lang nandito na ang Mommy at Daddy niyo." sabi ko sa kanila at inayos ang bawat kumot sa kanilang katawan. "Mamaya nandito na sila Mommy, Tita?" tanong ni Luigi sa akin at tumango ako sa kanya. "Opo, mamaya nandito na silang dalawa. Bukas may makikita tayong pasalubong galing sa kanila!" masayang sabi ko sa dalawa kaya tumango-tango sil