“Tita Bella, uncle Kori and Uncle Kyro is here po!” Napatigil ako sa pagsubo ng marinig ang sinabi ni Luigi. Bakit nandito ang dalawang niyon? Sinabihan ko na silang huwag na akong ihatid sa campus dahil may work na rin silang dalawa. Nag-usap pa kami nang masinsinan kahapon, hindi rin naman pala susunod ang dalawang niyon. Pumayag silang dalawa na tuwing uwian na lang nila ako sunduin dahil tuwing Monday, Wednesday and Friday ay alas-singko ang uwian ko and tuwing Tuesdays and Thursdays ay ala-una ng hapon ang uwian ko naman, at niyon ang araw kung kailan ako pupunta sa office nilang dalawa. That devils! Ngumiti ako kay Luigi kahit gusto ko ng sugurin ang dalawang niyon at bigyan ng batok para tumino. “Huwag mo silang pansinin, Luigi. Kain ka na rin.” sabi ko sa pamangkin ko at