“Tita Bella, welcome home po!” Salubong na bati sa amin ni Luigi at patakbo yumakap sa akin. “Hello, Luigi! Naging good boy ba kayo ni Mario habang wala ako?” pagtatanong ko sa kanya at ginulo ang kanyang buhok. Tumango siya sa akin, “Opo, tita Bella! Naging behave po kami kay mommy!” sagot niya sa akin. Nagulat ako ng maglahad siya ng kanyang palad sa aking harapan, “pasalubong, tita Bella?” Eh? Napakamot ako sa kanyang ginawa. “Syempre, makakalimutan ko pa ba ang pasalubong niyo? May binili kami para sa inyo!” masayang sabi ko sa kanila. Actually, wala naman bilihan ng souvenir doon sa pinuntahan namin. Anong mabibili roon kung mayro'n mang souvenir shop? Napangiwi na lang ako sa iniisip ko. Kailangan ko ng buhusan ng holy water itong utak ko. Nahahawa na rin talaga ako sa dal