SHAIRA Halos araw-araw akong narito sa bagong bahay na nabili ko. Malimit ay naglilinis ako ng bakuran dahil halatang napabayaan na ito ng dating may-ari. Tinapos ko na ang trabahong napag-uusapan namin ni Jordan at piniling ako na mismo ang personal na mag-imbestiga total naman ay nasa malapit na ako nakatira sa mga taong araw-araw na sinusubaybayan ko. Memoryado ko na nga ang ang oras ng alis at balik ng itim na sasakyang laging lumalabas sa gate ng bahay ng mga Montenegro. Nagtataka ako dahil madalas ay siya at ang ama lamang nito ang nakikita kong lumalabas sakay ng kani-kanilang mga sasakyan . Tila walang ibang tao sa loob araw-araw dahil napaka-tahimik ng kababayan lalo pa at hindi ko pa nakikita ang dalawang kamukha ng lalaking malimit makita ko. Nagpaalam kasi ako kay mama na