SHAIRA Ang saya ko ng makarating kami sa bahay. Naging maingay ang dating tahimik na tahanan namin ng pumasok si Jasmine kasama ko na akala mo ay pag-aari niya at ka close na agad si mama kung makabanat ng mga hirit niya. Nakakatuwa talaga ang self confidence nitong kaibigan ko. Kahit saan talaga mapunta ay ang bilis niyang makibagay sana tulad niya rin akong may ganyan na ugali at hindi nag-aalangan sa kahit kanino. Tahimik na nakaupo kami ni Jordan sa sofa habang hinihintay ko sina Jasmine at Mama na lumabas ng kusina matapos kaming iwan ng mga kasama namin. Hindi na kasi ako pinayagan ng dalawa na gumawa sa kusina dahil magpahinga na lang daw muna ako. Kung hindi ko pa alam ay may balak lang talaga ni Jasmine na makapag-solo kami ng pinsan niya dito sa sala. Hindi ko naman pwedeng