SHAIRA Mag-da-dalawang linggo na mula ng mailibing si Mama Zeraphine pero ang lungkot pa rin. Hirap ako na labanan ang matinding lungkot lalo na tuwing dadaanan ko ang silid ni niya katabi ng kwarto kung saan ako tumutuloy. Hanggang ngayon ay hindi pa ako pumapasok doon dahil sa tuwing susubukan ko ay natatakot akong ituloy dahil tinatalo ako ng matinding emosyon ko. "Shai, check up namin ni baby mamaya sa doktor. Gusto mo bang sumama?" tanong ni Jasmine na ngayon ay halata na ang matambok ng tiyan. Nakakatuwa kung paano siya naging inspired habang proud na sinasabi sa akin ang mga nararamdaman at karanasan niya bilang ina. Pinili niyang dito sa bahay ni Mama Zeraphine tumuloy pansamantala bagay na ipinagpapasalamat ko. Bukod sa kasama ko si Jasmine na naaliw ako ay nagkaroon ako n

