SHAIRA Nagulantang ako sa rebelasyon na nabasa ko. Nanghihina at na naginginig ang tuhod na tumayo ako mula sa gilid ng kama ni Mama Zeraphine at piniling pumasok sa loob ng silid ko. Dito malaya kong binuksan at binasa ang bawat pahina ng diary ni Riegn mula simula hanggang sa makapasok siya sa kumpanya ni Liam. Malinaw at detalyado na nabasa ko ang lahat ng masaya at malungkot na nangyari sa buhay ni Reign sa mga panahong hindi kami magkasama. February 20th 2019. Dear diary, dalawang buwan na lang ay makakapag-tapos na rin ako ng pag-aaral. Masaya ako na isa ako sa na pili na pumasok sa isang malaki at bigating kumpanya na pag-aari ng pinakagwapong nilalang sa balat ng lupa. Alam mo, akala ko si Sir Lyndon siya kaya sinundan ko ng palihim pero nagkamali ako dahil may kakambal pala s

