Arietta's POV NAKITA ko kung paano mag-slow motion ang paglabas ng bala sa baril na hawak ni Zeina. "No!" malakas na sigaw ko. Bago pa dumapo ito sa katawan ko ay may tao nang humarang sa harap para saluhin ang bala. Tumalsik ang dugo nito sa mukha ko. Nakatulala lang ako habang pinagmamasdan ang pagbagsak niya sa sahig. Narinig ko ang sunod-sunod na pagsabog sa paligid ko. Gumuguho na ang ilang parte ng gusali at hindi ko man lang magawang igalaw ang paa ko. "Run, Arietta! Run!" Isang boses ang sumisigaw sa akin na tumakbo, pero patuloy pa rin akong nakatayo sa puwesto ko. Nakita ko kung paano sila nilamon ng mga apoy. Ang lalaking nagligtas sa akin ay nakahandusay na sa sahig habang naliligo ito sa sariling dugo. Pinagmasdan ko ang paligid at nasaksihan ko ang karima-rimarim na