Arietta's POV NAGISING ako sa pamilyar na boses na nasa harapan ko. May kausap ito sa cellphone at rinig ko ang sunod-sunod na pagmumura niya. Sinubukan kong tumayo mula sa pagkakahiga, pero may mga pumipigil sa akin. Nakatali ang mga kamay at paa ko sa hinihigaan ko at pinipigilan akong makaalis mula rito. Sa sobrang galaw ko ay naramdaman ko ang pagkapunit ng tahi sa tagiliran ko. Nakita ko ang pagkapula ng damit ko dahil sa dugo. Napapikit ako at naramdaman ko na lang ang pagtulo ng mga luha ko dahil sa sakit. Bakit ba nangyayari sa akin ito? "Good morning!" Nagpantig ang tenga ko nang marinig ang boses niya. Idinilat ko ang mga mata ko at nakita ko si Zeina sa harapan na nakangiti. Para bang ang saya nitong makita akong nasasaktan at nahihirapan dahil sa kagagawan niya. "Anong gin