Arietta's POV NAPAKADALING iwasan ni Steven, pero napakahirap iwasan nitong nararamdaman ko para sa kaniya. Pagkatapos niyang i-anunsiyo sa buong campus ang tungkol sa amin ay maraming hindi makapaniwala. Paano nga naman nagustuhan ni Steven ang isang katulad ko? Napakahirap alamin ng dahilan kung bakit, kahit na pinaliwanag niya na ito sa harap nila. Mabilis na natapos ang klase at sabay na kaming umuwi ni Kuya Reed. Dumaan muna kami sa Wig Shop dahil paniguradong magagalit si Mimi kapag nakita niyang ginupitan ang buhok ko. Ilang beses ko pang pinilit si Reed para lang tulungan akong isuot ang wig sa akin. Natagalan pa nga kami sa paghahanap dahil sinigurado kong parehas sa dati kong buhok 'yong binili ko. Pagkarating namin doon ay nagulat kami dahil nandito ang pamilya ni Tito Franco