Arietta's POV NAPATINGIN ako sa reflection ng salamin ng kotse na sinasakyan namin ni Zeina. Kitang-kita ko ang pagbabago ng itsura ko dahil sa nangyari sa buhok ko kahapon. Hindi ako mapakali kasi hindi naman ako sanay na ganito ang ayos ko. "Are you sure na papasok ka, Arietta?" nag-aalalang tanong sa akin ni Zeina. Kahit na malapit na kami sa school ay ilang beses niya pa rin itong tinatanong sa akin dahil alam kong hindi siya payag na pumasok akong ganito ang istura. "Mas mag-aalala si Kuya Reed kung hindi ako papasok. Kay Mimi lang ako nagpaalam kagabi na sa condo mo ako tumuloy." Napabuntong hininga siya at binuksan ang pintuan ng kotse niya nang makarating kami para lumabas. Kinuha ko naman ang bag ko at sumunod sa kaniya. "How about your hair and your wounds? Paano kapag nalama