Arietta's POV NAGLAKAD kami ni Manager Paris papunta sa van habang may mga guard na nakapalibot sa amin. “Miss Rita, talaga bang hindi ka na babalik sa ibang bansa?" "Anong sinabi mo noong alukin ka na isa sa maging modelo nila?" "Ipagpapatuloy mo na ba ngayon dito sa Pilipinas ang pagiging modelo?" Wala na akong dapat sabihin sa kanila dahil nasabi ko na ito sa conference na na-set ng manager ko kanina. Pero napahinto ako nang marinig ko ang isang tanong na galing sa isang paparazzi. "Miss Rita, bumalik ka ba sa Pilipinas para maghiganti sa mga umapi sa iyo?" Lumingon ako sa taong 'yon, pero mabilis na tinakpan ni Manager Paris ang mukha ko at inalalayan ako sa paglalakad papasok sa van. Paano nila nalaman 'yon? Saan nila nakuha ang mga impormasyon na 'yon? "Are you okay?" tawag s