I COULDN’T CONTAIN MY HAPPINESS? Sobrang saya sa pakiramdam na makasama ngayon si Leon sa ganitong sitwasyon. Ang tagal naming naligo sa ibaba ng falls, hanggang sa napagpasyahan namin na magbabad sa tubig. Nasa tubig ilog kami ngayon na hanggang bewang ko lang. Magkahawak pa rin kami ni Leon ng kamay, samantalang sina Joy at Lando ay masaya nang lumalangoy. Medyo kumunot ang noo ko nang bitawan ni Leon ang kamay ko tapos ay sumisid siya sa tubig, malinaw naman ang tubig kaya nakita ko ang paglangoy niya papunta sa likod ko. Tapos ay umahon siya at agad na yumakap sa akin mula sa likod ko kaya napangiti ako. “The water feels nice,” malambing na bulong pa niya kaya marahan akong tumango. “I don’t like your dress, though,” dagdag pa niya kaya napanguso ako. Ako rin, nagsisisi ako na isa