AGAD AKONG NAGBABAD SA SWIMMING POOL. Nang nasa parte na ako nito na hanggang bewang ko ay agad kong inilublob ang buong katawan ko at bahagyang lumangoy. Nang muli kong i-angat ang ulo ko para sa hangin ay napangiti ako. Ang sarap talaga ng ganito. Mainit ang sikat ng araw pero hindi pa masakit sa balat, presko ang simoy ng hangin at malamig naman sa balat ang tubig sa pool. Akmang lalangoy sana ako ulit pero agad akong natigilan at hindi ko na naituloy ang balak ko nang maramdaman ang maskuladong mga braso ni Leon na pumulupot sa bewang ko. I know it’s him because I know his scent. Hindi ako puwedeng magkamali kasi adik na adik ako sa mabango niyang amoy. At nakakapagtaka lang, kahit na kanina pa siya naliligo’t nagsu-swimming ay hindi man lang nagbago ang amoy niya. He softly pulled