SA WAKAS ay kinausap at hinarap na siya ni Angela kagabi. Sinabi nito na kalimutan na lang niya ang nangyari para hindi sila mailang sa isa’t-isa. Paano niya magagawa iyon kung hindi niya matanggap na naisahan siya si Jake? Mas lalo na hindi pwede na hanggang magkaibigan lang sila. Gusto niya itong maangkin. Mahalikan ang mapupulang labi nito at mahaplos lahat ng parti ng katawan nito pero wala siyang magagawa kundi pakalmahin ang sarili dahil naroon ang magulang ni Angela. Pinilit pa siya na doon mag-dinner. Close ang mga ito kay Jake at hindi kakitaan ng disgusto. Tila ba boto pa ang mga ito kay Jake. Mas lalo niyang nakikita ang pagkakaiba ng mundo nila ni Jake. Napapalibutan ito ng mga mabubuti at mapagmahal na mga tao, habang siya naman ay mga sakim sa pera ang mga nakakaharap niya