MADILIM ang mukha na tumalikod si Travis Rigor. Iniwan niya ang dalawang taksil. Bumalik siya sa event hall. Hindi niya maikalma sarili. Sa mga oras na iyon ay parang gusto niyang pumatay ng tao. Halos kasunod lang din niya sina Theodore at Belinda na kaswal lang na nakipaghalubilo sa iba pang bisita na naroon. Ni hindi nagtitinginan. Animo’y hindi kilala ang isa’t-isa. Magaling umarte. Lumipat ang mata niya sa asawa ni Theodore na si Anthena. Kay lapad ng ngiti nito. Walang itong kaalam-alam na harap-harapan na itong pinagtataksilan ng asawa. “What happen?” tanong ni Fred nang mapansin ang pandidilim ng mukha niya. “Ngayon na ang tamang oras, Fred.” Ngumisi ang abogado. “Okay, excited na ako masaksi ng malapelikulang eksena. ”Inilabas nito ang cellphone mula sa loob ng suot nitong a