CHAPTER TWENTY-EIGHT

1750 Words

“BAKIT kasi in-invest mo doon ang lahat ng pera natin, Ma? Scam iyon! Sana po sinabi mo muna sa akin!” Natigilan si Travis Rigor mula sa paghakbang. Sa labas pa lang ay maririnig ang pagtatalo ng mag-inang Jean at Gina ngunit balewala lang sa mga kapitbahay dahil hindi na bago na may nagsisigawan sa lugar na iyon. “Ang sabi babalik ang pera ng triple kaya binigay ko na ang lahat ng pera natin,” umiiyak na paliwanag ng matanda. Mas lalong lumakas ang paghikbi ni Jean. “Tinaya ko ang buhay na iyon para lang sa pera na iyon!” “Jean! Hindi ko pinangarap ng malaking pera, sapat na sa akin na makita kayong ligtas at masaya. Hindi ko tinuro sa iyo na gumawa ng masama para lang sa pera!” “Hindi iyan ang pinag-uusapan, Ma!” Lumakas ang sigaw ni Jean. “Aba! Sinisigawan mo na akong bata ka!”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD