“THIS is f*ck!” Pagmumura ni Fred. Hindi maipinta ang mukha nito. Hindi rin mapigilan ni Travis Rigor ang mapahalakhak. Nakasuot si Fred ng polo na puti na naka-tuck-in sa slacks. Pinaliguan pa ng sandamakmak na gel ang may kahabaan na buhok nito para ma-brush up. Pinasuotan niya ito ng makapal na salamin. Ngayon ay mukha na itong pastor. Na-briefing na rin niya ito sa kung ano ang mga sasabihin. Para kay Fred ay malaking kalokohan itong ginagawa niya. Pinayuhan pa siya nito na layasan na lang ang pamilya ni Jake ngunit sinigiwan lang niya ito. Napailing ito at hindi makapaniwala sa laki ng pinagbago niya. Marunong na raw ngayon magpahalaga sa kapwa niya. Hindi rin niya matanggap sa kanyang sarili na lumalambot na ang puso niya. Pilit lang niya sinisiksik sa kanyang utak na ginagawa la