NASA loob ng van si Travis Rigor. Kasama niya doon ang nasa pitong tauhan na nirekomenda sa kanya ni Fred. May sampung iba pa nasakay naman sa isa pang van na nasa likuran lang nila. Napaglanuhan na nila kung paano i-abduct sina Belinda at Marvin. Masasabi niyang professional na ang mga ito sa ganoong larangan dahil nakita ng mga ito ang posibilidad na hindi niya naisip o nakita. Ilang linggo ng pinag-aralan ng mga ito ang galaw ni Marvin at Belinda. Alam na ng mga ito kung anong oras karaniwan na lumalabas ang dalawa sa mansyon. Mayroon pa silang back up plan. Kung walang lalabas isa man kina Marvin at Belinda sa tinakda nilang oras ay lulusob na sila mismo sa loob ng mansyon. Delikado dahil maraming gwardiya sa paligid pero napag-aralan na nila kung ano ang gagawin kaya mayroon sa is