“TULOY ka.” Narinig ni Travis Rigor na sabi ni Jean. May bisita yata ito dahil narinig niya na may humintong motorsiklo sa harap ng bahay nila. Sinuot niya ang T-shirt at lumabas na siya ng kanyang kwarto. May dala siyang maliit na travelling bag na may mga laman na damit. Kanina ay isinama niya si Fred sa bahay upang magpanggap na naman ng boss niya at upang makapagpaalam na dadalhin siya sa Negros para sa ipapatayo nitong negosyo. Nagtataka si Fred kung bakit kailangan pa niyang gawin iyon gayong pwede naman siyang lumayas at hindi na magpakita sa pamilya ni Jake ngunit hindi niya alam kung ano ang isasagot dito. Maging siya ay nagtataka rin sa kanyang sarili. Siguro dapat na niyang tanggapin ang katotohan na lumambot na ang puso niya sa pamilya ni Jake at tinuturing na niya ang mga