NAGTAGUMPAY si Travis Rigor na makuha ang kanyang mahalagang dokumento sa mansyon pero hindi pa rin humuhupa ang nararamdaman niyang galit sa kanyang nalaman. Wala siyang pakialam kung patay na siya bago nagkaroon ng relasyon si Belinda sa lalakeng hindi niya kilala. Para sa kanya ay pagtataksil pa rin ang ginawa nito at hindi matanggap ng pride niya na pinagpalit lang siya nito kaagad. He though Belinda was madly in love with him. Tinangay niya ang isang boteng wine sa mansyon. Gusto niyang magpakalasing. Ayaw naman niya na uminom sa maduming bahay ni Jake dahil tiyak tatalakan lang siya ng matanda. Hindi rin niya kayang ipaliwanag kung saan siya galing at kung bakit may dala siyang wine kapag nagtanong ito. Niyaya siyang umuwi ni Angela ngunit hindi siya pumayag. Hindi naman siya nito