“BAKA mahuli tayo ng security,” sabi na Angela na panay ang lingon. Mababakas ang pag-aalala sa mukha. “No. We just need to be careful.” Mahigit ang seguridad ng Alexander Oaks. Hindi sila pinayagan ng mga security guard na makapasok at kinailangan pa nilang salisihan ang mga ito. “We are here.” Deklara niya. Tinuro niya kay Angela ang kanyang mansyon ilang metro ang layo mula sa kinatatayuan nila. Nanlaki ang mata nito sa pagkamangha. Hindi niya masisisi kung bakit ganoon reaksyon nito. Pang world class kasi ang ganda at laki ng kanyang mansyon. Mayroon iyon mahigit sa twenty rooms. May indoor olympic size pool at backyard infinity pool na mayroong gazeebo sa gitna mismo. Tinatayang nasa dalawang ektarya ang kabuuan. Napalawak ng landscape. Sa katunayan ay kailangan pa nilang magl