NAKATAYO si Travis Rigor sa waiting shed tatlong kanto ang layo mula sa building na pagmamay-ari niya. Doon dumadaan ang kotse ni Belinda kaya matyaga siyang naghintay. Dalawang oras na ang lumilipas at marami ng dumadating na empleyado. Napuno na rin ng mga sasakyan at commuters ang kalsada. Alas siete pa lang ng umaga. Ibig sabihin ay kailangan pa niya maghintay doon ng isa pang oras sapagkat alas-otso kadalasan dumadating si Belinda. Hindi na rin niya tinangka na pumasok dahil alam niya na haharangin lang siya ng mga security guard lalo na’t markado na sa mga ito si Jake. Ang kailangan na lang niyang gawin ay mapaniwala ang kanyang asawa na siya si Travis Rigor. Kapag nangyari iyon ay maso-solve na ang lahat ng problema niya at pwede na ulit niyang hawakan ang kanyang kompanya. Ang pr