TAHIMIK lang nanakikinig si Travis Rigor habang umiiyak na nagkukwento si Jean. Ayon dito ay naawa ang isa sa mga tauhan niya kung kaya tinulungan ito na makatakas sa hideout at pansamantala na tinago. Saka lang ito pinayagan na bumalik sa pamilya nang mapagtanto na wala ng banta dahil nabuwag din kaagad ang grupo ng tauhan niya nang mamatay siya. Tulog na si Jennica. Sila na lang ang nasa sala at nag-usap-usap. Naghilom na ang mga pasa at sugat nito pero kapansin-pansin ang scar sa bandang kilay nito. Siya ang may gawa no'n. Nanggigil siya na hindi pa ito umaamin kaya hinampas niya ng kopitang hawak. Marahil ay ginamot ito ng tauhan niya nang umalis siya dahil kung hindi ay siguradong patay na ito sa dami ng dugo na mawawala dito. Sino kaya sa mga tauhan niya ang bumaliktad? Imposiblen