NAGULAT si Travis Rigor nang biglang may nambatok sa kanya. Lumingon siya. Lukot ang mukha. “Ano ka ba naman bata ka! Kanina ko pa tinatawag pangalan mo pero nagbibibingi-bingihan ka diyan!” ‘Shut up, old woman!’ sigaw ng utak niya na hindi niya maisatinig sapagkat makakatikim na naman siya ng hampas at talak mula sa matanda. Batay sa obserbasyon niya ay iyon ang pamamaraan na pagdisiplina ng mga taong nakatira sa squatter. Nakakarindi ang naturang lugar. Pakiramdam niya ay halos hindi natutulog ang mga tao. Madaling araw na ay maraming tao pa rin ang nasa labas. Nag-iinuman, nagvi-videoke at nagsusugal na inaabutan na lang ng pagsikat ng araw. Idagdag pa ang mga bata na kahit malim na ang gabi ay nasa lansangan pa rin at naglalaro, lalo na ang mga teenagers na nagpa-partner-partner sa