NANGINGINIG ang buong katawan ni Travis Rigor. Kuyom niya ang kamao. Tulala habang hawak ang cellphone na pagmamay-ari ni Angela. Palihim niyang kinuha habang nililigpit nito ang kanilang pinagkainan. Pagbukas pa lang niya sa isang news website ay tumambad na kaagad ang kanyang pangalan pati na ang isang larawan ng tao na nakahiga sa stretcher at tinatakpan na lang ng kumot. Kilala niya ang nakalaylay na kamay pati na ang suot na relo – siya iyon. Kumpirmado na patay na nga siya! “T-tito Jake?” untag sa kanya ng bata. Mababakas ang pag-aalangan at takot sa mukha nito habang nakatingin sa madilim niyang mukha. Mahigpit din ang yakap nito sa lumang Teddy bear. Simula nang dumating siya sa bahay ay ilag sa kanya ang bata. Makailang beses itong nagtangka na kausapan siya pero lumalapit pa l