CHAPTER TWELVE

2184 Words

Nasaan ako? Ano’ng nangyayari? Iyon ang mga tanong na nasa utak ni Travis Rigor nang magising siya sa hindi pamilyar na kwarto. Wala siya ibang nakikita kundi puro puti. May naririnig siyang ingay sa paligid ngunit hindi niya matingnan kung sino ang mga iyon dahil hindi niya magawang igalaw ang ulo. Pakiramdam niya ay na paralisa ang buong katawan niya. Nakita niya na may nakakabit na dextrose sa kanyang kanang kamay at may oxygen tank na sa tabi ng kanyang kinahihigaan. Naka-plaster ang dalawang paa niya pati na ang kanang braso niya. Idagdag pa ang may suot siyang neck support. Ganoon na lang ang pagguhit ng ngiti sa kanyang labi nang ganap na tumino sa utak niya ang lahat. Buhay siya! Natakasan niya ang mga gustong pumatay sa kanya! Sinubukan niyang humalakhak ngunit sumakit lang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD