MALAPAD ang ngisi ni Travis Rigor habang papasok sa kanyang opisina. Masaya siya dahil siya ang nanalo sa bidding ng The Palace – naluluging five star hotel na napagpasyahan na lang ng may-ari na ibenta. Nadagdagan na naman ang mga assets niya. Ngayon pa lang ay may naiisip na siyang expansions na ikaaahon muli ng naturang hotel. Pa-dekwatro siyang umpo sa camelback sofa habang si Marvin na kasunod lang niya ay dumeretso sa mini bar upang kumuha ng wine. “Make it two, Marvin,” utos niya. Alam kasi niya na anumang sandali ay susulpot ang kanyang asawa upang tanungin siya sa kung ano ang nangyari sa bidding. Matagal ng gusto ni Belinda ang The Palace kaya noon pa man ay in-offer-an niya ng malaking halaga ang may-ari ng naturang hotel upang bilhin. Bagaman lumaki ang kanyang asawa na m