KANINA pa nasa madilim na eskinita si Jean. Hininhintay niya na dumaan ang kapatid niyang si Jake. Nilalakad lang kasi nito ang papunta at pauwi mula sa palengke. Alas diyes na nang gabi. Sigurado siya na sa mga oras na iyon ay inilalagay pa ng kapatid niya ang mga tinda nilang prutas sa malaking bodega ng palengke. Mabait ang may ari ng market. Nauunawaan nito ang kalagayan ng kapatid niya na hindi na kayang magbuhat pa ng mga prutas pauwi at kung doon naman matutulog para magbantay ay baka mapagtripan pa kaya pinapayagan sila na mag-stock ng mga prutas doon. Napakahirap ng kalagayan niya. Para siyang daga na kulang na lang ay sa imburnal magtatago. Lagi siyang alerto sa paligid niya at minsan ay para na siyang nababaliw sa takot na baka bigla na lang may hihila sa kanya. Hindi naman ka