“TRAVIS HIJO, mabuti at dumating kayo ni Belinda,” wika ng kanyang ina na sinalubong kaagad sila pagkababa pa lang nila ng kotse. “Of course, Mommy, hindi namin palalampasin ang birthday mo.” Ang kanyang asawa ang sumagot. Nakipagbeso-beso sa kanyang ina. Mahigit isang taon din sila hindi nagkikita ng kanyang magulang kahit nasa iisang bansa lang sila nakatira. Busy kasi siya sa kanyang negosyo at wala na siyang panahon pa para bisitahin ang mga ito sa mansyon. Wala pa rin pinagbago ang kanyang ina na si Sandra. Tila hindi ito tumatanda. Taglay pa rin nito ang kagandahan na kinabaliwan ng kanyang ama. Natakpan ng pulidong make up ang wrinkles nito habang bumagay naman sa edad nitong fifty-five ang eleganteng disenyo ng gown. “Wala ka ng oras para sa amin ng Daddy mo.” May tonong pagta