CHAPTER EIGHT

2027 Words
NAKIKINIG si Travis Rigor sa instrumental music ni Mozart habang sumisim ng wine. Nakasandal ang likod niya sa executive chair. Nakapikit. Ninamnam ang musika. Nasa loob siya ng kanyang opisina. Alas-nueve nang gabi. Wala ng natitirang empleyado sa building maliban sa mga guwardiya na bente kwatro oras na naka-duty. Kailangan niya na i-relax ang sarili dahil ilang araw ng nagpupuyos ang kalooban niya. Pakiramdam niya ay humihina na ang kapangyarihan niya na ultimo mga kuto sa paningin niya ay hindi pa niya matunton. Gusto niyang paghigantihan ang mga taong nagtaksil sa kanya, lalo na si Rolan. Gusto niya matikman ng mga ito ang parusa niya, ngunit paano niya iyon magagawa iyon kung hindi niya mahanap ni anino ng mga ito? Naapektuhan ang kanyang sikretong pasugalan. Bagaman hindi naman tumigil ang operasyon ay maraming nalagas. Kaunti na lang ang pumupunta upang magsugal. Naghigpit na siya sa sekyuridad at dahil sa nangyari ay wala na ni isa man pinakakatiwalaan. Sa ganoong oras ay wala man lang asawa na nag-text o tumawag sa pag-aalala kung bakit hindi pa siya umuuwi. Hindi kailanman nagpakita ng concern sa kanya si Belinda. Parang itong mannequin o robot na binihisan lang ng damit. Bibihira magpakita ng emosyon. Stiff. Pati mga damit at buhok ayos na ayos. Perfectionist. “Yeah, I don’t need a devoted wife,” gagad niya. Sapat na sa kanya na may asawa siya na pwede pang-display. Bilang kabilang sa alta sa syudad ang pamilya ni Belinda at tunay nga naman na may nakakahalina itong ganda kaya maraming mga lalaki ang nababaliw dito. Tinuturing ito na para isang trophy. Nagpapaligsahan ang mga lalaki para makuha lang ito. Hindi sa pagmamalaki pero hindi na niya kinailangan ligawan si Belinda. They just had a one night stand and that was it. Hindi nila pinag-usapan. Basta na lang sila nagsama sa isang bubong at napagpasyahan na magpakasal para sa ikauunlad ng kanilang mga negosyo. Lumapit siya sa glass wall ng kanyang opisina. Buhat sa kanyang kinatatayuan ay nakikita niya ang mga nagkikislapang building sa labas. He wanted more power. He wanted to own what his eyes were able to see. Pasasaan ba’t maituturing na siya bilang isa sa makapangyarihan tao hindi lang sa bansa kundi maging sa buong mundo. Tumingin siya sa kanyang kopita. Wala na iyon laman. Lumapit siya sa kanyang executive table kung saan nakapatong ang bote ng wine ngunit sa halip na magsalin pa ulit ay inilapag na lang niya doon ang kopita. Isinuot niya ang kanyang coat, pagkatapos ay lumabas na siya sa kanyang opisina. Agad naman sumunod sa kanya ang dalawang bodyguard na kanina pa nakatayo at naghihintay sa gilid ng pinto. Tutunguhin na lang sana niya ang elevator nang makarinig pa ng ibang tunog bukod sa ingay ng kanyang yabag at ng dalawa pang bodyguard. Tumigil siya sa paglalakad. Tinaas niya ang isang kamay. Indikasyon na pinapatigil niya na pinapatahimik niya ang dalawang bodyguard. Pinakinggan niya kung anong tunog iyon at kung saan nagmumula. Nang ilibot niya ang paningin ay nakita niya na may nakabukas pang ilaw sa Marketing department at doon nanggaling ang ingay ng – keyboard! Mayroon yatang nag-overtime na empleyado. Sa halip na dumeretso na ng alis ay tinungo niya ang naturang departamento. Hindi niya alam kung bakit hinihila siya ng mga paa niya para alamin kung sino ang masipag na empleyado iyon, bagay na noon lang niya ginagawa dahil wala naman siyang pakialam kung magkandakuba man ang mga empleyado niya sa pagtatrabaho dahil pinapasahod naman niya ng tama. Nakasunod pa rin sa kanya ang dalawang bodyguard ngunit mayroong mahigit tatlong metro na distansya. Nangunot ang noo niya. May nakita siyang nakabukas na isang computer na bagaman nakatalikod ay alam niyang umiilaw ang monitor screen. Naririnig din niya ang tunog na may tumitipa sa keyboard ngunit nakakapagtaka na wala naman siyang nakikita. Multo? Napalunok siya. Lumingon sa dalawa niyang bodyguard, pagkatapos ay tinuwid niya ang likod. Hell! Bakit ba niya pinapakita na kinakabahan siya? Para patunayan sa dalawang bodyguard na hindi siya natatakot ay humakbang siya patungo sa pinakadulo ng mga nakahilerang computer kung saan niya naririnig ang tunog ng keyboard ng computer. Siya si Travis Rigor! Kilalang makapangyarihan at hindi isang multo lang ang magpapanginig sa tuhod niya. Nang tuluyan na makalapit ay nanlalaki ang mata niya. Sindak. Sa buong buhay niya ay noon lang kumabog ng husto ang dibdib niya na hindi niya magawang makapagsalita at basta na lang siyang naestatwa. Nakikita niya ang isang multong babae. Nakaharap sa computer. Ang buong mukha ay natatakpan ng napakulot at mahabang buhok. Naka-suot ng long sleeve blouse. “W-who a-are you?” Napakislot ang multo. Nagtaas ng tingin at inayos ang buhok. Nang magkatitigan silang dalawa ay bigla na lang itong napatili ng ubod ng lakas na kinagulat niya. “Sorry po, Sir! Akala ko kapre! Naninigip kasi ako! Sorry po talaga!” sabi ng babae ng mahimasmasan.Taranta na hinanap ang salamin sa table. Sinuot. “Ano’ng ginagawa mo dito ng ganitong oras?” pabulyaw niyang tanong. Naalala niya ang babae na mukhang manang at hindi marunong magsuklay - hindi niya makalimutan na habang nagagalit siya sa lahat empleyado ay ito lang ang may sariling mundo na tila sinasiniban ng masamang ispirito habang nagtitpa sa keyboard ng computer at hindi man lang natakot sa presensya niya. Ngayon, para na naman itong na-exorcise. Maliit lang itong babae kaya hindi kaagad ito makikita sa malayuan sapagkat natatakpan ng computer. Idagdag pang nakayuko pa ito. Sumulyap siya sa monitor ng computer. Puro letrang J lang ang nakikita niya. Malamang naka-steady ang daliri nito sa nasabing letra habang nakaidlip, “Nag-overtime po. Nakatulog ako sa sobrang pagod.” Napangiwi pa siya ng magpahid ito ng laway sa gilid ng bibig. “Disgusting! Get out of sight!” Napatalon ang babae sa sigaw niyang iyon. “Okay po,” Taranta itong tumakbo. Hindi pa man nakakalayo ay muli itong bumalik. “Naiwan ko po ang bag ko,” anito na may alanganin na ngiti. Mabilisan na kinuha ang bag pagkatapos ay tumalilis na. Nang tuluyan ng makaalis ang babae ay bumuga siya ng mula sa baga. Hinintay muna niya na mawala ang init ng kanyang ulo, pagkatapos ay humakbang na siya papunta sa elevator. Awtomatiko naman na sumunod sa kanya ang dalawang bodyguard niya. Nagkasalubong ang kilay niya nang maabutan pa niya ang babae sa elevator. Nakasakay na ito. Pinindot nito ang buton para hindi sumara ang pinto. Hinintay na makasakay din sila, ngunit nanatili siyang nakatayo. “S-sorry po, Sir,” anitong nakayuko. Nakuha yata nito na ayaw niya itong makasabay sa elevator. “Good.” Sumakay na siya sa loob ng elevator. Nagkatitigan pa sila ng babae bago tuluyan na sumara ang pinto. Nasa ground lobby na siya nang makita na umuulan sa labas. Sa main entrance na lang ng kanyang company building siya naghintay sapagkat tinatamad na siyang pumunta sa basement kung nasaan naghihintay ang service niya. Alisto naman ang isa sa bodyguard niya na tawagan si Marvin upang papuntahin na doon. “Umuulan pala.” Napatingin si Travis Rigor sa gilid. Nakita niya ang manang niyang empleyado nakatingala sa langit. Pagkatapos ay tumingin ito sa pambisig na relo. Nag-aalala ang mukha. Siguro may mga anak itong naghighintay dito. Sinuong ng babae ang ulan ngunit nagulat siya nang agad din itong bumalik. Tumili. “Ang lakas pala ng ulan!” Idiot! Sinikap niyang hindi tingnan ang babae dahil naiirita siya. Bumaling siya sa kanyang bodyguard para utusan sana ito na muling tawagan si Marvin – ayaw niyang naghihintay – ngunit napansin niya na natiglan ang bodyguard. Tulala. Animo’y namaligno. Sinundan niya kung saan ito nakatingin at nanggilalas siya sa nakita. All he saw was georgeous wet woman shaking her wet bag. Kumurap-kurap siya. Nalito. Nasaan ang manang na babae? The white long sleeve blouse, the jeans and the thick eyes glasses on her one hand. Tama ba ang nakikita niya? Ang nakakahalina ba na babaeng iyon ay walang iba kundi ang manang na empleyado niya? How did she able transform in an instant? Umiiba pala ang mukha nito kapag tinatanggal ang makapal na salamin sa mata. At hindi na ganoon kasabog ang buhok nito dahil basa. Hindi ito aware na humulma ang basang blouse nito sa katawan nito at may kanipisan pa naman kaya kitang-kita ang itim na bra nito na hirap na hirap sa pagpigil sa malulusog na dibdib nito. At dahil nilalamig ito ay mas lalo pang nagkulay rosas ang bibig. The woman is damn hot! Binabawi na niya ang akala niyang may anak na ito. Marunong siyang kumilitis ng katawan na sariwa. Nagtaas ito ng tingin. Huli-huli silang tatlo ng bodyguard niya na nakatingin dito. Agad naman siyang bumaling ng ulo. Tuwid na tumingin sa ulan. Nag-igtingan ang kanyang mga panga. Gumalaw ang kanyang adam’s apple sa matinding pagpipigil ng tensyon sa katawan lalo na sa umiinit at bumubukol sa bandang zipper ng pantalon niya. Naunawaan ng babae kung bakit ganoon ang reaksyon nila. Agad nitong tinakpan ang dibdib gamit ang dalawang kamay. “Aalis na po ako!” tarantang wika ng babae. Nagtatakbo sa ulan. Sabay naman sila ng bodyguard niya napabuga ng hangin mula sa baga nang makalayo na ang babae. “Wew! Akala ko naengkanto ako,” sabi ng isa niyang bodyguard. “Ang ganda niya pala kapag walang salamin! Ano po sa tingin niyo, Sir?” Binalingan siya ng isa pa. Tiningnan niya ng masama ang dalawa na agad naman natikom ang bibig na animo’y makahiya na nagtiklupan. Inayos niya ang kanyang kurbata nang makita niya na dumating na ang kanyang kotse. Agad na lumabas si Marvin. May dalang payong. Pinayungan siya nito hanggang sa masakay siya . Nang makapasok si Marvin sa kotse ay agad siya nitong binigyan ng towel ngunit nang mapansin niya na basa ang parte ng balikat nito dahil sinigurado nito na hindi siya mababasa ay initsa niya pabalik dito ang towel. “Thank you po, Kuya.” Tumango lang siya dito. “Saan po tayo, Sir?” “Sa The Cowboy’s,” sagot niya sa tanong na iyon ng driver. Hindi pa rin natatanggal ang init sa katawan na nararamdaman niya dahil sa imahe ng manang na empleyado niya. Kailan niya makaraos sa init na iyon. Batid niya na sa pag-uwi niya ay tulog na ang kanyang asawa na si Belinda at oras na iistorbohin niya ay tiyak mag-aaway lang silang dalawa. Para dito ay masisira ang beauty rituals nito kapag hindi nakuha ang walong oras na tulog. Mga elista na mga tao lang ang pwedeng pumasok sa The Cowboy’s. Lungga iyon ng mga mamayaman na gusto magparaos. At ang mga bayarang babae ay sikat na artista at modelo. Sh*t!  Hindi siya makapaniwala na magkakaganoon siya dahil lang sa isang manang na babae. Napatingin siya sa labas ng binata ng kotse nang makita niya ang babae na tumatakbo. Basang-basa na. Nalagpasan na niya ito nang inutusan niya ang driver na huminto. Nagtataka na tumingin sa kanya si Marvin ngunit siya nagpaliwanag. Sa halip ay pinto ng kotse. “Hope in.” Utos niya. Nanatili lang nakatayo ang babae. Nag-aalangan. “C’mon!” “Pero basa po ako.” “I said c’mon!” Sumakay ang babae nang tumaas na ang kanyang boses. Pinalipat niya si Marvin sa tabi ng driver at ang bodyguard niya na nakapwesto doon ay pinalabas niya ng kotse. Wala siyang pakialam kesahodang mabasa man ito at maglakad. “S-salamat po, Sir Travis,” sabi ng babae. Yakap ang bag. “Ano ang pangalan mo?” Sa halip ay tanong niya. “Angela Simon po.” Napansin niya nanginginig ito dahil na rin siguro sa aircon ng BMW niya. Hindi naman pwede na ipapatay niya iyon dahil ayaw niyang naiinitan siya kaya sa halip ay hinubad niya ang coat. “Naku! Huwag na po, Sir Travis!” Nawalan rin ng saysay ang pagtanggi ng babae dahil kusa na niyang binalabal dito ang kanyang coat. Ngunit dumaan lang ang ilang segundo nang mahismasan siya. Kailangan ba niya magpaka-gentleman? Iyon ang kauna-unahang beses na ginawa niya para sa isang babae – at sa isang ordinaryong nilalang pa talaga? Muli niyang kinuha ang coat. “Okay, kung ayaw mo.” Hahayaan niya itong manigas sa lamig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD